Kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City, 3,718 na

May mga bagong kaso ng COVID-19 na naitala sa Muntinlupa City.

Dahil dito, 3,718 na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang 6:00, Martes ng gabi (September 8), sa nasabing bilang ay 733 ang aktibong kaso.

584 naman ang ikinokonsidera bilang probable case at 549 ang suspected cases.

Samantala, 2,857 residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang 128 naman ang nasawi.

Read more...