Sinabi ng Phivolcs na namataan ang sentro ng lindol sa layong 87 kilometers Southeast ng Baras.
Tumama ang lindol dakong 5:02 ng hapon.
Ayon sa Phivolcs, tatlong kilometers ang lalim nito at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang intensities at pinsala sa Baras at mga karatig-bayan.
Wala ring inaasahang aftershocks, ayon sa Phivolcs.
MOST READ
LATEST STORIES