Security chief ni Bacoor City Mayor Leni Revilla, patay

PHOTO CREDIT: MAYOR LANI M. REVILLA/FACEBOOK

Namatay ang chief security ni Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla dahil diumano sa COVID-19.

Base sa paunang impormasyon, atake sa puso ang itinuturong dahilan ng pagkamatay ni Ronald Gorospe, ngunit kumpirmado na taglay nito ang nakakamatay na virus.

Nabatid na nagsilbi din si Gorospe kay Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla Jr.

Nakikipag-ugnayan na ang opisina ni Mercado-Revilla sa naulilang pamilya ni Gorospe para sa pakikiramay at pagbibigay ng tulong.

Magugunita na ilang araw pa lang ang nakakalipas nang gumaling sa COVID-19 ang senador.

Unang nag-self quarantine lang ang senador nang makumpirma na positibo siya sa sakit, ngunit isinugod siya sa ospital nang lumala ang kanyang kondisyon.

Sa ngayon ay balik-trabaho na ang senador at dumadalo na sa mga virtual hearing at session ng Senado.

Read more...