Sorsogon Rep. Ditas Ramos na tinamaan ng COVID-19, pumanaw na

Congress photo

Pumanaw na si Sorsogon Rep. Ditas Ramos.

Ito ang kinumpirma ni Deputy Speaker Raneo Abu sa sesyon ng Kamara.

Sa kabila nito ay wala pang malinaw na kumpirmasyon kung ano ang sanhi ng pagkasawi ng kongresista.

Matatandaan na nagpositibo ito kamakailan sa COVID-19.

Naunang sinabi ni House Secretary-General Jose Luis Montales na nakaramdam ng mga sintomas ng COVID-19 si Ramos habang nasa kanyang probinsiya at nang magpasuri ay positibo nga ito sa Coronavirus Disease.

Sa sesyon, Martes ng hapon, nag-alay ng panalangin para sa yumaong mambabatas ang mga kasamahan nitong kongresista.

Read more...