Susunod na Bar exams, gaganapin sa November 2021

Nagtakda na ang Korte Suprema ng petsa kung kailan gaganapin ang susunod na Bar examinations.

Sa inilabas na Bar Bulletin no. 13, series of 2020, sinabi ni Associate Justice at 2020/21 Bar Examinations Chairperson Marvic Leonen na gaganapin ito sa November 2021.

“The examination periods and the venues of the next Bar Examinations will be announced in a separate Bar Bulletin,” aniya pa.

Matatandaang naantala ang Bar examinations sa taong 2020 dahil sa banta ng COVID-19 pandemic.

Read more...