Inalis ni Cascolan si Brig. Gen. Bernard Banac bilang PNP spokesman at itinalaga ito bilang director ng PNP Traing Service.
Ang bagong tagapagsalita ng pambansang pulisya ay si Col. Ysmael Yu.
Itinalaga naman si Maj. Gen. Celso Pestaño bilang pinuno ng Directorate for Information and Communication Technology Management (DICTM) at pinalitan siya ni Brig. Gen. Albert Ferro bilang director ng Directorate for Integrated Police Operations (DIPO)-Southern Luzon.
Pinalitan naman si Ferro bilang director ng Central Visayas Regional Police Office ni Brig. Gen. Jonnel Estomo, na ang iniwang posisyon sa PNP Anti-Kidnapping Group ay ibinigay kay Brig. Gen. Joseph Gohel.
Si Brig. Gen. Edgar Monsalve ang bagong director ng PNP Intelligence Group.
Si Brig. Gen. Alex Sintin Jr., ang itinalagang acting director ng National Police Training Institute (NPTI) samantalang si Brig. Gen. Jimili Macaraeg ang bagong director ng director Logistic Support Service (LSS).
Si Brig. Gen. Pascual Muñoz ang uupong bagong director ng PRO 4B (Mimaropa).
Inilipat naman sa Office of Chief PNP si Brig. Gen. Rhoderick Armamento at ang kanyang posisyon bilang deputy director for administration ng CIDG ay ipinasa kay Brig. Gen. Sterling Raymund Blanco.
Nabigyan din ng bagong posisyon sina Col. Leo Francisco na ipinadala sa PRO 3 (Central Luzon); Col. Roel Acidre, bagong acting Deputy Regional Director for Administration ng PRO Caraga; at Col. Celso Bael ang bagong acting executive officer ng Directorate for Intelligence.