BREAKING: Mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, lagpas 241,000 na

Mahigit 3,000 ang naitalang bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (September 8), umabot na sa 241,987 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 52,893 ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 3,281 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

88.6 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 8.2 porsyento ang asymptomatic; 1.3 porsyento ang severe habang 1.9 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nakuha ang mga datos mula sa 81 out of 115 licensed laboratories.

Nasa 26 ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 3,916 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 286 naman ang gumaling pa sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 185,178 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...