Tarlac, Bulacan uulanin sa susunod na mga oras

Makararanas ng pag-ulan sa susunod na mga oras ang lalawigan ng Tarlac at Bulacan.

Ayon sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA alas 12:31 ng hapon ngayong Martes, Sept. 8, katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa dalawang lalawigan.

Ganitong lagay na din ng panahon ang nararanasan sa Santa Cruz, Zambales.

Pinapayuhan ang publiko na maging maingat sa posibleng pagbaha kung nakatira sa mababang lugar.

 

 

 

Read more...