Cataingan, Masbate niyanig ng magnitude 3.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang lalawigan ng Masbate .

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 26 kilometers northwest ng bayan ng Cataingan, alas-12:04 tanghali ng Martes (September 8 ).

May lalim na 16 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Nakapagtala ng intensity 3 sa Cataingan, Masbate.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

Ang pagyanig ay aftershock ng magnitude 6.6 na lindol noong August 18 sa Cataingan, Masbate.

 

 

Read more...