Robredo sa absolute pardon kay Pemberton: Kapag mahirap, may parusa; kapag mayaman at nasa poder, malaya

Maituturing na pagkiling sa makapangyarihan ang ginawang pagbibigay ng absolute pardon ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Joseph Scott Pemberton.

Reaksyon ito ni Robredo, kasunod ng pa-pardon kay Pemberton na akusado sa pagpatay kay Jennifer Laude.

Ayon kay Robredo, libu-libo ang nakakulong sa ngayon nang dahil sa wala silang pambayad ng abogado.

Si Pemberton aniya ay may mga aboagdo, ikinulong sa special detention faciliy, mabilis ang naging paglilitis, at ngayon, naging malinaw na mayroon din siyang resources para mabigyang-pasin ni Pangulong Duterte ang kaniyang kaso.

Sinabi ni Robredo na maraming Filipino ang mas magaan ang kasalanan ngunit hindi napapansin at hindi nabibigyan ng ardon.

“Ang nakikita natin: Kapag mahirap, may parusa; kapag mayaman at nasa poder, malaya,” ayon sa bise presidente.

 

 

 

Read more...