Global cases ng COVID-19 mahigit 27.4 million na

Umabot na sa mahigit 27.4 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Martes (Sept. 8) ay 27,476,920 na ang global cases ng COVID-19.

Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 193,000 na bagong kaso sa magdamag.

Ang US ay nakapagtala ng mahigit 25,000 na dagdag na mga kaso.

Ang Brazil ay nakapatala ng dagdag na 10,000 na mga kaso.

Mahigit 75,000 naman ang bagong kaso na naitala sa India.

Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:

USA – 6,485,426
India – 4,277,584
Brazil – 4,147,794
Russia – 1,030,690
Peru – 689,977
Colombia – 671,848
South Africa – 639,362
Mexico – 634,023
Spain – 525,549
Argentina – 488,007

 

 

Read more...