Bahagi ng Brgy. Sta. Ana sa Taguig isinailalim sa localized lockdown

Nagpatupad ng localized lockdown sa Pulong Kendi 2 at Samasipat sa Barangay Sta. Ana sa Taguig City.

Simula ngayong araw ang pag-iral ng localized community quarantine na tatagal hanggang September 23, 2020.

Base ito sa rekomendasyon ng Taguig City Epidemiology and Surveillance Unit matapos ang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa nasabing mga lugar.

Habang nakasailalim sa lockdown, restricted ang paggalaw ng mga residente sa lugar.

Lahat ng COVID-19 positive ay dadalhin sa quarantine facilities.

Magsasagawa ng testing para matukoy ang iba pang active cases.

Ang Taguig ay isa sa mga lungsod sa Metro Manila na may pinakamababang bilang ng active cases ng COVID-19.

 

 

 

Read more...