Central Visayas nakapagtala ng 31 bagong kaso ng COVID-19; may naitala ding dagdag na 29 na nasawi

Sumampa na sa 19,360 ang buong kaso ng COVID-19 na naitala sa Central Visayas.

Ito ay makaraang makapagtala pa ng dagdag na 31 na bagong kaso ng sakit kahapon (Sept. 7).

Ayon sa DOH-Central Visayas Center for Health Development, sa 19,360 na total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon, 1,818 na lang ang aktibong kaso.

Umabot naman na sa 1,166 ang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19 sa Central Visayas matapos madagdagan ng 29 pa.

Habang nakapagtala ng dagdag na bilang ng recoveries na umabot sa 159 dahilan para umabot na sa 16,376 ang bilang ng mga gumaling sa sakit.

Malaking bilang ng kaso ng COVID-19 sa Central Visayas ay sa Cebu City na nakapagtala na ng 9,692 cases.

335 na lang ang aktibong kaso sa Cebu City.

 

Read more...