Water level ng Angat dam nabawasan sa magdamag

Nabawasan pa ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 178.73 meters alas-6:00 umaga ng Martes, September 8 mas mababa ito sa antas nito kahapon na 178.90 meters.

Bahagya namang nadagdagan ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 99:45 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 99.07 meters habang nadagdagan din ang antas ng tubig ng La Mesa dam na nasa 79.13 mas mataas sa antas nito kahapon na 79.07 meters.

Samantala, ang water level ng Ambuklao, San Roque, at Magat dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang tubig sa Binga, Pantabangan at Caliraya dams.

 

Read more...