Siaton, Negros Oriental niyanig ng magnitude 3.4 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang lalawigan ng Negros Oriental .

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 31 kilometers southwest ng bayan ng Siaton, alas-6:50 umaga ng Martes (September 8 ).

May lalim na 12 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

 

 

Read more...