BPI may systems maintenance sa Sept. 18 hanggang 19

May isasagawang systems maintenance activity ang BPI sa susunod na linggo.

Sisimulan ang maintenance alas 10:00 ng gabi ng Biyernes, September 18, 2020 at tatagal hanggang alas 11:59 ng gabi ng Sabado, September 19.

Sa nasabing mga petsa at oras hindi magagamit ang sumusunod na serbisyo:

Online banking
Mobile app
BizLink and ELink platforms
ATMs and CAMs
Debit card services
Branch banking (September 19 to 20)

Mananatili namang available ang serbisyo ng credit card at prepaid cards.

 

 

 

 

Read more...