13 bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Baguio City

Nakapagtala ng 13 pang bagong kaso ng COVID-19 sa Baguio City.

Ayon sa datos na inilabas ng Baguio City Public Information Office, umakyat na sa 387 ang total confirmed cases ng COVID-19 sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 91 ang aktibong kaso, 10 ang pumanaw at 286 na ang gumaling.

Mayroon pang 7,264 na residente ng Baguio City ang kasalukuyang sumasailalim sa quarantine.

Ang Baguio City ay nakapagsagawa na ng 38,435 na RT PCR test.

 

 

 

Read more...