Globe hinimok ang customers na mag-download ng kanilang self-service apps

Ngayong panahon ng pandemya, prayoridad ng Globe na patuloy na makapaghatid ng kalidad na serbisyo sa mabilis at ligtas na pamamaraan.

Dahil dito, hinihikayat ng Globe ang lahat ng customers na i-download and kanilang mga self-service apps na GlobeOne at Globe At Home.

Ayon sa Globe libre ang mga apps na ito sa Google Playstore at App Store.

Gamit ang GlobeOne app, mapapadali na para sa mga Globe Postpaid, prepaid, at TM customers ang pag-check at pagbabayad ng kanilang bill, baguhin ang mga iba’t ibang features ng kanilang subscription, humiling ng reconnection, mag-report ng isyu, magsubscribe sa mga bagong promos, at magtanong patungkol sa mga bagong offers.

Para naman sa Broadband postpaid at prepaid customers, maaari nang mag-troubleshoot o mag-request ng repair service gamit ang Globe At Home app.

Puwede ring magbayad ng bills, mag-upgrade ng plan, mag-request ng line transfer, bumili ng home boost at iba pang promos.

Paalala ng Globe sa kanilang customers, simula Setyembre, pansamantalang hindi available ang live agents nito sa Consumer Service Hotlines 211 or (02)77301000 and 808 or (02)77301500, and Consumer Sales Hotline (02)77301010.

Ang mga linyang ito ay bukas para sa self-service transactions lamang.

Gayunpaman, maaaring magtanong o humingi ng tulong sa opisyal na Facebook Page ng Globe, Facebook Messenger, at Twitter account.

Ang *143# ay maari pa din gamitin sa inyong mga mobile phones para sa pag check ng balanse, paggamit ng data, promo subscription at iba pang mga pangangailangan.

 

 

Read more...