Governor Generoso, Davao Oriental niyanig ng magnitude 3.3 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang lalawigan ng Davao Oriental .

Ayon sa datos mula sa Phivolcs na nakuha ng Radyo INQUIRER, naitala ang pagyanig sa 71 kilometers southeast ng bayan ng Governor Generoso, alas-12:17 madaling araw ng Martes, September 8.

May lalim na 126 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

 

 

Read more...