Konstruskyon ng Passenger Terminal Building (PTB) ng Clark Airport, malapit nang matapos

Malapit nang matapos ang konstruksyon ng bagong Passenger Terminal Building (PTB) ng Clark International Airport (CRK).

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), hanggang August 31, nasa 99.91 porsyento na ang overall progress rate ng proyekto.

Ang nasabing airport expansion project ay bahagi ng “Build, Build, Build” Infrastructure Program ng administrasyong Duterte.

Sa kabila ng kinakaharap na COVID-19 pandemic, tuloy pa rin ang konstruksyon nito.

Sinabi ng kagawaran na tiniyak namang nasusunod ang istriktong health and safety protocols at protektado ang kapakanan ng mga trabahador at iba pang project stakeholders.

Inaasahang magiging operation ang bagong PTB sa buwan ng Enero 2021.

Maliban sa pag-decongest sa air traffic sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), makatutulong din ito para sa economic development ng Central Luzon, pagbubukas ng maraming trabaho, at tourism and socio-economic activities sa rehiyon.

Oras na maging operational, mula sa kasalukuyang 4.2 milyong passenger volume sa Clark International Airport, maaari itong tumaas nang triple at umabot sa 12.2 milyon kada taon.

Read more...