133 pang pulis, nagpositibo sa COVID-19

Nadagdagan pa ng 133 ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Lunes ng gabi (September 7) 4,562 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

745 pulis ang itinuturing na probable cases habang 3,132 ang suspected cases.

148 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 3,255 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang pulis ang napaulat na nasawi dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 16 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...