Pagbibitiw sa puwesto ni Sec. Duque, hindi napapanahon – Pangulong Duterte

Hindi napapanahon ang pagbibitiw sa puwesto ngayon ni Health Secretary Francisco Duque III.

Ito ay kahit na kaliwa’t kanang batikos na kinakaharap ni Duque dahil sa hindi maayos na paghawak sa pagresponde sa COVID-19 pati na ang anomalya sa PhilHealth.

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, buo pa rin ang kanyang tiwala kay Duque.

“Secretary Duque, this is not the time for you to resign. Hindi pa panahon para mag resign. So I’ve heard stories about you going to resign. I have full trust in you. Ang akin lang naman diyan yung corruption, wala ka doon sa ano… Tiningnan namin yung papel. Unless there’s a specific finding dun sa batas, sabihin mo lang sa akin but as of now, I have full…,” pahayag ng Pangulo.

Sa ngayon, may ginagawang imbestigasyon ang Department of Justice (DOJ) sa anomalya sa PhilHealth.

“There’s an investigation going on. Let it be. If you are not guilty of corruption, ang kalaban ko lang ho yung corruption. Yung, let us see sa ano mo yung sa negligence mo, pero you know if you handle a big organization, I had a chance when I became mayor and then President. Talagang manenegligent ka kasi hindi mo mahabol minsan eh. And sometimes mawala yung papel,” pahayag ng Pangulo.

Ayon sa Pangulo, walang rason na magbitiw si Duque kung hindi naman sangkot sa korupsyon.

“So these are the things that sabi ko, that one don’t really matter to me. What matters is yung corruption. Kung hindi ka corrupt, wala ka namang, you do not have any reason to resign,” pahayag ng Pangulo.

Nagpasalamat naman si Duque sa tiwala ng Pangulo.

Read more...