Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, ito ang dahilan kung kaya binigyan niya ng absolute pardon si Pemberton.
“Sabi ko it’s my decision to pardon. Correct me if I’m wrong but ito ang tingin ko sa kaso. You have not treated Pemberton fairly. So i-release ko. Pardon. Eh ang pardon walang mga question yan. It’s… Wala talaga, it cannot be questioned anywhere. And it’s not because of that I pardon Pemberton,” pahayag ng Pangulo.
Hindi na aniya kasalanan ni Pemberton kung hindi naging maayos ang pagbibilang sa good conduct time allowance (GCTA).
“It is not the fault of Pemberton na hindi na na-compute because we should allow him, the good character presumption kasi wala namang nagreport na Marines na nagsabi na nagwawala siya,” pahayag ng Pangulo.