13 pang kaso ng COVID-19, naitala sa Baguio City

Nasa 13 pang residente sa Baguio City ang nagpositibo sa COVID-19.

Batay sa Baguio City COVID-19 monitoring hanggang 4:00, Lunes ng hapon (September 7), umabot na sa 91 ang kabuuang bilang ng kaso ng nakakahawang sakit sa lugar.

Lima namang ang bagong gumaling sa COVID-19.

Bunsod nito, 286 na ang totap recoveries sa Baguio City habang 10 pa rin ang death toll.

Samantala, sa suspected cases, nasa 1,564 ang aktibo habang 3,162 ang naka-recover.

Patuloy namang nakasailalim sa 14-day quarantine ang 7,264 na residente habang 19,152 ang nakatapos na.

Read more...