Ito ay base sa inilabas na datos ng Department of Education (DepEd) bandang 8:00, Lunes ng umaga (September 7).
Ayon sa DepEd, tinatayang 24,265,048 na ang bilang ng enrollees sa bansa.
Katumbas ito ng 87.31 porsyento ng enrollees noong School Year 2019-2020.
Sa nasabing bilang, 22,205,805 mag-aaral ang nag-enroll sa mga pampublikong paaralan habang 2,009,025 milyon naman ang nasa private schools.
Karamihan sa naitalang kabuuang bilang ng enrollees ay elementarya students na nasa 11,703,310.
Umabot naman sa 7,640,086 ang mga nakapag-enroll sa Junior High School at 2,773,422 sa Senior High School.
Nasa 1,710,475 na mag-aaral ang nag-enroll sa Kindergarten habang 373,639 sa Alternative Learning System.
64,116 naman ang learner with disabilities (non-graded) na nakapag-enroll.
Inaasahang madaragdagan pa ang bilang ng enrollees.