Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (September 7), umabot na sa 238,727 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 49,931 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 1,383 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
88.3 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 8.3 porsyento ang asymptomatic; 1.4 porsyento ang severe habang 2.0 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nakuha ang mga datos mula sa 88 out of 115 licensed laboratories.
Nasa 15 ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 3,890 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 230 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 184,906 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.