Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 4,306

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (Linggo, September 6), nadagdagan ng 32 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 4,306.

Sa nasabing bilang 1,353 ang active cases.

Ang bilang naman ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ay nanatili sa 233.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 5,892.

Read more...