Ito ang panukalang batas na naglalaman ng P165 bilyong pondo na ipang aayuda sa mga naapektuhan ng COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kaya natatagalan ang Pangulo sa paglagda sa bagong batas dahil inaaral pa ito ng ehekutibo.
“As soon as possible po. I don’t think the first two weeks of September will pass without the bill being signed. I think they’re aiming that the bill should be signed this week. Next week at the latest,” pahayag ni Roque.
Kinukonsulta pa aniya ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
“Alam niyo po kaya lang natatagalan nang kaunti at hindi pa naman mahabang panahon ang nakalipas, kinukunsulta po lahat ng ahensya ng gobyerno na merong stake dito sa Bayanihan 2 bill. So yun lang po ang ordinaryong proseso pero I can assure you po pag natapos na itong consultation na ito e pipirmahan naman po yan ng Presidente, hiningi naman po yan ng Presidente sa Kongreso rin,” pahayag ni Roque.
Matatandaan na noong nakaraang buwan pa naratipikahan ng dalawang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas.