Atas ito ng korte sa ginawang pagdinig sa inihaing Motion for Reconsideration ng kapatid ng pinaslang na transgender na si Jennifer Laude.
Hihintayin pa naman ng husgado ang ihahaing motion for reconsideration ng Department of Justice bago magpasya rito.
Base sa pitong pahinang motion for reconsideration ng private complainant sinabi nito na hindi dapat palayain si Pemberton dahil sa wala namang patunay sa good conduct nito habang nakapiit dahil sa walang katibayan na lumahok ito sa anumang rehabilitation activities na sertipikado ng time allowance supervisor at wala ring katibayan ng kinakailangang recommendation mula sa Management Screening and Evaluation Committee.
Iginiit din ng kampo ni Laude na self-serving ang computation na isinumite sa korte gayundin ang ibinigay ng Bureau of Correction dahil sa purong computation lamang at walang material basis.
Ayon naman sa kampo ni Pemberton walang merito ang mosyon ng kapatid ni Laude.
Sa anim na pahinang opposition ni Atty. Rowena Garcia Flores, abogado ni Pemberton nakasaad na hindi sumunod sa kinakailangn requirements sa ilalim ng Rules of Court ang MR ng kampo ni Laude.
Hindi aniya ipinaliwanag sa mosyon kung bakit mali ang computation ng Bureau of Correction sa good conduct ng US serviceman.
Nakasaad pa na guwardiyado rin si Pemberton ng mga tauhan ng BuCor na silang maaring magpatunay ng good conduct nito habang nakakulong.
WATCH: Rally malapit sa Olongapo City Hall of Justice kaugnay sa kautusan ng korte na palayain si US Marine Lance Cpl Pemberton @dzIQ990 pic.twitter.com/INKMYR7WIa
— Erwin Aguilon, J.D. (@erwinaguilonINQ) September 7, 2020