Ayon kay Defensor, hindi pa nila nabubuo ang panukala kaya lumalabas na nahusgahan na agad sila ng mga kapwa mambabatas sa Senado.
Tila taliwas din aniya ito sa naging konkluyson at rekomendasyon ng isinagawang imbestigasyon ng Senate Committee of the Whole kung saan nakasaaad na “extremely urgent” ang pangangailangan para sa malaliman at malawakang review at inspection sa financial life ng ahensya.
kung talaga anyang may urgency para sa reporma sa state health insurer ay dapat na maging bukas ang mga senador sa paggawad ng emergency powers.
Sa pamamagitan aniya nito ay mabibigyan ng kalayaan ang pangulo na magsagawa ng re-organization sa ahensya.
Sabi ni Defensor, may itatakdang panahon din lamang ang naturang emergency powers at hindi ito pangmatagalan.
Paliwang nito, ang layunin lamang nila ang mas epektibong healthcare system para sa mga Pilipino kaya nila isinusulong ang emergency powers at hindi para makipagpaligsahan.