Salary standardization sa mga nurse napapanahon na ayon sa Malakanyang

Photo grab from PCOO Facebook video

Naniniwala ang Palasyo ng Malakanyang na napapanahon na para baguhin ang klasipikasyon sa sweldo ng mga nurse at iba pang frontliners sa bansa.

Tugon ito ng Palasyo sa pag- aaral ng isang information aggregator na napakaliot ng sweldo ng mga nurse sa pilipinas kumpara sa mga kalapit na bansa sa Southeast Asian region gaya ng Malaysia, Thailand, Singapore, Vietnam at Indonesia.

Ayon kay Presidential Spokesmanngarry roque, dapat idaan sa Salary Standardization law ang lahat para maitaas ang sweldo ng mga frontliner

Gayunman, sinabi ni Roque na sa ngayon mayroon nang ibinigay ang pamahalaan na hazard pay libreng life insurance at iba samga frontliner na nakikipaglaban sa COVID-19.

Nakapaloob aniya ito sa Bayanihan II.

“Gayunpaman, kung iyan po ay mababa pa sa ating mga karatig na bansa, pagdating po sa mga nurses sa gobyerno ang solusyon po diyan ay siguro bago iyong classification—o baguhin iyong classification ng nurses sa government Standardization Law ‘no, Salary Standardization Law nang mailagay ang mga frontliners natin sa mas mataas na salary grade ‘no,” ayon kay Roque.

Ayon sa pag aaral, nasa P40,000 lamang ang kinikita ng mga experienced Filipino nurse sa Pilipinas habang nasa 63,00 ang natatanggap ng asean counterparts.

 

 

Read more...