Global death toll sa COVID-19 mahigit 880,000 na

Sumampa na sa 887,549 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER, pinakamaraming naitalang nasawi pa rin sa US na umabot na sa 193,250.

Sumampa naman na sa mahigit 126,000 ang bilang ng mga nasawi sa Brazil.

Habang ang death toll sa Mexico ay umabot na sa mahigit 67,000.

Umabot naman na sa mahigit 19.3 million na ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa mahigit 7 million pa ang aktibong kaso.

Narito ang bilang ng mga nasawi sa iba’t ibang ng mga bansa:

USA – 193,250
Brazil – 126,686
India – 71,687
Mexico – 67,558
UK – 41,551
Italy – 35,541
France – 30,724
Spain – 29,418
Peru – 29,838
Iran – 22,293

 

 

 

Read more...