Search-and-rescue mission sa mga nawawalang crew ng Cargo ship sa Japan suspendido pa rin

Suspendido pa rin ang search-and-rescue mission ng Japan Coast Guard para sa 41 nawawalang crew mula sa lumubog na cattle ship sa East China Sea.

Dalawang crewmember pa lamang ng barko na kapwa Filipino ang natatagpuan.

Lulan ng naturang barko ang 39 na Pinoy, dalawang New Zealand nationals, at dalawang Australians.

Naglalayag sa karagatan ang Gulf Livestock 1 nang makaranas ng sama ng panahon dulot ng Typhoon Maysak.

Nananatiling suspendido ang paghahanap dahil sa hindi magandang panahon na dulot naman ng Typhoon Haishen.

 

 

 

 

Read more...