MECQ sa Metro Manila nakatulong sa pagbaba ng infection rate

Nakatulong ang dalawang linggong MECQ sa Metro Manila noong Agosto sa pagbaba ng infection rate ng COVID-19.

Ayon kay Dr. Guido David ng UP-OCTA Research team, may kuneksyon sa pag-flatten ng COVID-19 curve ang pagpapairal ng MECQ.

Sinabi ni David na mula sa 1.5 noong Agosto ay bumaba sa 0.94 ngayong Seryembe ang reproduction number ng COVID-19 cases sa NCR.

Sa pagtaya ng UP Research Team, sa katapusan ng Setyembre ay posibleng nasa 310,000 o 330,000 na ang COVID-19 cases sa bansa.

 

 

Read more...