Antas ng tubig ng Angat dam nabawasan sa magdamag

Nabawasan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 178.90 meters alas-6:00 umaga ng Lunes (September 7) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 179.45 meters.

Bahagya ring nabawasan ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 99.07 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 99.10 meters habang nabawasan din ang antas ng tubig ng La Mesa dam na nasa 79.07 mas mababa sa antas nito kahapon na 79.09 meters.

Samantala, ang water level ng San Roque, Magat at Caliraya dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang tubig sa Binga at Pantabangan dams.

Read more...