Mga Pinoy sa UK pinag-iingat kasunod ng stabbing incident sa Birmingham

Pinag-iingat ng pamahalaan ang mga Filipino na nasa Birmingham, England kasunod ng insidente ng pananasak doon.

Isang suspek ang bigla na lamang umatake sa mga tao at pinagsasaksak ang mga ito, Linggo ng umaga.

Isa ang nasawi habang pito naman ang nasugatan.

Sa inilabas na abiso ng embahada ng Pilipinas sa London, walang Pinoy na nadamay sa insidente.

Pinayuhan ang mga Pinoy na maging maingat at iwasan ang magtungo sa lugar na pinangyarihan ng pananaksak habang hindi pa nagiging normal ang sitwasyon.

“We have received no reports of any Filipino harmed in the said incident. We continue to monitor the situation closely,” ayon sa pahayag ng embahada.

Read more...