Don Marcelino, Davao Occidental niyanig ng magnitude 3.4 at 3.5 na lindol

Dalawang beses niyanig ng may kalakasang lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa datos ng Phivolcs na nakuha ng Radyo INQUIRER, unang naitala ang magnitude 3.4 na pagyanig sa 29 kilometers southeast ng bayan ng Don Marcelino, alas-12:57 madaling araw ng Lunes (September 7) at may lalim na 114 kilometers.

Sumunod naman ang magnitude 3.5 na pagyanig sa 9 kilometers northeast ng bayan pa rin ng Don Marcelino, ala-1:34 ng madaling araw at may lalim na 122 kilometers.

Tectonic ang origin ng mga pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Nauna ng niyanig ng magnitude 6.4 na pagyanig ang Don Marcelino, Davao Occidental 11:23 ng gabi.

 

 

 

 

 

Read more...