Guiuan, Eastern Samar niyanig ng magnitude 3.6 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang lalawigan ng Eastern Samar.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 81 kilometers southeast ng bayan ng Guiuan, alas-12:46 madaling araw ng Lunes (September 7).

May lalim na 8 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

 

 

Read more...