Presyo ng produktong petrolyo bababa ngayong linggo

May inaasahang rollback sa presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo.

Sa pagtaya, nasa 30 hanggang 40 centavos ang mababawas sa presyo ng kada litro ng gasolina.

40 hanggang 50 centavos ang bawas sa presyo ng kada litro ng diesel.

Habang 50 hanggang 60 centavos naman ang maaring mabawas sa presyo ng kada litro ng kerosene.

Ngayong araw iaanunsyo ng mga kumpanya ng langis ang eksaktong halaga ng ipatutupad nilang rollback.

 

 

 

Read more...