Western section ng Luzon apektado ng Habagat

Magiging maaliwalas ang lagay ng panahon sa buong bansa ngayong araw.

Ayon sa PAGASA, tanging western section lamang ng Luzon ang naaapketuhan ng Habagat.

Dahil dito, ang buong bansa kasama na ang Metro Manila ay makararanas lamang ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na mayroong isolated na pag-ulan.

Aasahan muli ang mainit at maalinsangang panahon ngayong araw ayon sa PAGASA.

Samantala, ang binabantayang Typhoon Haishen na dating Typhoon Kristine ay huling namataan sa layong 1,585 kilometers north northeast ng extreme northern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 150 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 205 kilometers bawat oras.

Walang epekto sa bansa ang naturang bagyo.

 

 

 

Read more...