Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 24,957

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Lunes (September 7, 3:00 PM) nakapagtala ng 428 na bagong kaso kaya pumalo na sa 24,957 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 6,701
Laguna – 8,467
Batangas – 3,753
Rizal – 4,794
Quezon – 1,242

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 13,664.

Nasa 10,702 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 56 na bagong recovery.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 2,361
Laguna – 4,601
Batangas – 1,702
Rizal – 1,389
Quezon – 649

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 2 kaya umabot na sa 591 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 160
Laguna – 124
Batangas – 95
Rizal – 173
Quezon – 39

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay

 

 

 

 

 

 

Read more...