Dalawa pang kawani sa Kamara, tinamaan ng COVID-19

Inquirer file photo

Dalawa pang empleyado ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang nag positibo sa COVID-19.

Ayon kay House Secretary General Atty. JoseLuis Montales, nadagdag sa listahan ang isang babaeng empleyado ng Finance department.

Huling pumasok sa trabaho ang empleyado noong September 1 at sumama ang pakiramdam matapos alagaan ang anak na lalaki na nag positibo sa COVID-19.

“The first is from the Finance Department. She last reported for work on September 1, and fell ill after attending to her son whom we reported earlier as a confirmed case,” pahayag ni Montales.

Nakatalaga naman sa Committee on Legislative Franchises ang isa pang empleyado na nagpositibo sa COVID-19 at huling pumasok sa trabaho noong August 10.

Sa kabuuan, 67 na ang naitatalang COVID-19 case sa Mababang Kapulungan kung saan 13 ang active cases.

Read more...