Isang Filipino abroad ang napaulat na nagpositibo sa COVID-19 – DFA

Tanging isa lamang ang napaulat na bagong nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang September 6, umakyat na sa 10,117 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 74 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 3,075 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Wala namang ang bagong gumaling kung kaya 6,284 pa rin ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Samantala, wala ring napaulat na nasawing overseas Filipino.

Dahil dito, nananatili sa 758 ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,975 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 1,168 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 798 naman ang kaso sa Americas at 1,176 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...