Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Linggo (September 6), umabot na sa 237,365 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 48,803 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 2,839 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
88.6 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 8.0 porsyento ang asymptomatic; 1.4 porsyento ang severe habang 2.0 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nakuha ang mga datos mula sa 96 out of 115 licensed laboratories.
Nasa 85 ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 3,875 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 23,074 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 184,687 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.