Magnitude 3.9 na lindol, yumanig sa Batangas

Niyanig ng magnitude 3.9 na lindol ang Batangas.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 13 kilometers Northwest ng Nasugbu dakong 12:58 ng tanghali.

Tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 193 kilometers.

Wala namang naitalang pinsala sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...