Boac, Marinduque niyanig ng lindol

Tumama ang magnitude 3.2 na lindol sa Marinduque, Linggo ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 29 kilometers Southwest ng Boac bandang 11:06 ng umaga.

14 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Wala namang naidulot na pinsala sa Boac at iba pang karatig-bayan.

Sinabi rin ng Phivolcs na walang inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...