Global death toll bunsod ng COVID-19, higit 883,000 na

Pumalo na sa mahigit 883,000 ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 883,740 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 192,818.

Sumunod na rito ang Brazil na may 126,230 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 70,679 naman ang death toll sa India habang 67,326 ang napaulat na nasawi sa Mexico.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 41,549
– Italy – 35,534
– France – 30,724
– Peru – 29,687
– Spain – 29,418
– Iran – 22,154
– Colombia – 21,156
– Russia – 17,759
– South Africa – 14,779
– Chile – 11,551

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 27,062,744 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 19,162,697 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...