Ito ay matapos ma-finalize at maaprubahan ang lahat ng operational requirements tulad ng pagtatalaga ng One-Stop Shop (OSS), RT-PCR testing booths, quarantine facilities, anchorage, application and Customs, Immigration, and Quarantine (CIQ) procedures, at tugboats.
Ayon kay Office for Transportation Security (OTS) Administrator at OSS Head, Undersecretary Raul Del Rosario, umabot sa mahigit isang buwan ang pagtatalaga ng OSS sa Port Capinpin.
“To be exact, 1 month and 1 week bago natin na-put up ang OSS dito sa Orion. Kinailangan kasi nating i-match ang mga protocols na ipapatupad natin sa One-Stop Shop doon sa mga protocols ng Bataan Provincial IATF. Ang role ng One-Stop Shop ay iipun-ipunin ang concerned agencies sa crew change protocol. Kasama na d’yan ang mga agencies under the DOTr— Philippine Ports Authority (PPA), Philippine Coast Guard (PCG), OTS, MARINA, at ‘yung ibang agencies na ka-partner natin gaya ng Bureau of Customs, Bureau of Quarantine, Bureau of Immigration, OWWA at PNP, at ang LGU na talagang nagbabantay para sa prevention ng COVID,” ani Del Rosario.
Ang Port Capinpin ay na-activate bilang crew change hub noong August 19.
Bago ang pag-alis, kailangang sumailalim ng seafarers sa RT-PCR testing 72 oras bago ang boarding.
Kung negatibo ang resulta, dadaan naman sila sa physical examination ng BOQ, at maging sa Customs and Immigration procedures.
Kapag nagkaroon ng clearance, dadalhin na sila sa vessel kung saan tatanggap sila ng handover of duties mula sa off signees.
Samantala, ang off signing seafarers naman ay sasailalim sa CIQ procedures onboard vessel.
Kapag nakakuha ng clearance, ipapadala na sa pantala para sa disembarkation, debriefing, RT-PCR testing at quarantine.
Para lalo pang tulungan ang seafarers, sinabi ni PPA General Manager Jay Santiago na nagsasagawa ng 100-bed quarantine facility sa Port Capinpin.
Maaari aniyang magamit ito ng mga seafarer na naghihintay pa ng resulta ng kanilang COVID-19 test.
“We are now constructing a 100-bed quarantine facility that can be used by our seafarers waiting for their RT-PCR results. Accommodation is for free. This facility will be completed in less than a month. Funds used to construct this facility is part of the PhP100-million donation from the Lopez Group of companies,” ani Santiago.