Inaasahang lalabas na ng bansa ang Bagyong Kristine, Sabado ng gabi (September 5).
Ayon kay PAGASA weather specialist Ana Clauren, huling namataan ang bagyo sa layong 1,075 kilometers Hilagang-Silangan ng Extreme Northern Luzon bandang 3:00 ng hapon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 185 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 230 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong Hilagang-Kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour.
Habang tinatahak ang nasabing direksyon, sinabi ni Clauren na posibleng mapalakas o mahatak ng bagyo ang Southwest Monsoon o Habagat na maaaring magdulot ng pag-ulan sa ilang bahagi ng Western section ng Luzon at Southern Luzon.
Aniya, nasa boundary na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Kristine.
Ang mga mararanasang panandaliang pag-ulan aniya dulot ng localized thunderstorm.
Nakataas pa rin ang gale warning sa bahagi ng Batanes at Cagayan kabilang ang Babuyan Islands.