Mapanas, Northern Samar niyanig ng magnitude 3.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang lalawigan ng Northern Samar.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 29 kilometers northeast ng bayan ng Mapanas, alas-6:32 gabi ng Biyernes (September 4).

May lalim na 9 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

 

 

 

 

 

Read more...